Sunday, February 20, 2011

                         Ang Talambuhay ni Lex Angeline Gutierrez
ako nung 5 months ako!!
.kilala ako sa amen na ang tawag sa aken ay "bae" dahil noong mga 3 months pa lang ako ang tawag sa akin ng mga pinsan ko ay "gandang bae" kaya nakasanayan nila na gandang bae ang tawag sa akin eh utal pa yung mga pinsan ko syempre bata pa kaya ang naitatawag nila sa akin ay bae,kaya nakasanayan na din nila na bae ang tawag sa aikn  kayab hanggang ngayon bae na ang tawag ng mga taga amen sa akin.meron pa nga pa lang isang tawag sa akin "piranhang kateh" at mercedes o "cedes". tawag yun sa akin ng tiyohin ko. kaia daw piranhang kateh dahil matakaw daw ako nung bata ako.lahatr daw kase kinakaen ko, lahat daw ng ialok sa akin ay tinatanggap ko, wala daw akong tinatanggihan basta pagdating sa pagkaen.kaia daw piranhang kateh. tapos kaya daw mercedes o cedes kase lage daw akong nsa taas ng mesa o pag hindi sa mesa bay sa kama at doon daw aok nagsasasayaw.basta daw kantahan lang ako ay nasayaw na daw ako.ginagaya ko daw dati si taliya at si marimar.ganun daw ako kabibo at kakulit nung bata.
ako nung gumaraduate ng kinder
gumaraduate ako ng grade6
class picture namen nung 3rd year
4th year naman ako mas madamang experience. 4d ako ngayonmadame din nanyare saken ngayong 4th year, simulan naten sa grades ko. yun nagbabaan ang grades ko gawa ng pagiging player ko ng volleyball,pero naging masaya aman ako nung naging player ako.madame din akong nakilala,at naging close friend ko na din.Dahil dun napabayaan ko ang pag-aaral ko,kaya bumaba grades ko.hindi ako nakahabol sa mga quizzes at sa activity.nakalaban namen ang San Cristobal, natalo namen un kaya bumalik kame ng skul na masaya,tapos nung bumalik kame sa City High ang kasunod daw nameng kalaban ay LC medyo kabado kame nun kase hindi namen alam kung paano sila maglaro, tapos nung nkita na namen ang mga player ng LC nakita ko si Erika Dognidon classmate ko nung elementary.tapos nung naglalaro na medyo talo kame kase gutom na lahat kaya hindi makapaglaro ng ayos,kaya un natapos ang laro talo kame kaya bumalik kame ng skul ng malungkot.kaya ang naging score namen ay 1-1. 
C.A.T officer 
C.A.T off. nung JS
ang saya ng high skul lyf ko.sana maging masaya din ang college life ko.

Ang Aking Talambuhay (Diane Dimayuga Dela Cruz)

Ako noong 5 taong gulang
Ako si Diane Dimayuga Dela Cruz,Ipinanganak noong Pebrero 2 1995 sa San Pablo City Hospital sa Laguna Nakatira sa Dagatan boulevard Brgy IV-A San Pablo City.Panganay ako sa taylong mag kakapatid.Ang pangalan ng aking ina ay si Ma.Cristeta Balanial Dimayuga at ang aking ama ay si Generoso Barcelona Dela Cruz.Si Geraldin Dela Cruz Ang sumunod sa akin matanda ako ng isang taon sa kanya,bata pa lamang sya nagkaroon sya ng ibat ibang sakit na nag pahirap sa kanya habang nbubuhay pa sya.Napakasakit  para kay mama at papa ang nangyaring iyon sa aking kapatid sa sobrang daming gamot na nabibili at palipat lipat ng hospital si Geraldin hindi na rin nila nakuhang ipagdiwang ang aking unang kaarawan.Bago pa sumapit noon ang aking kaarawan agad kinuha sa amin ng maykapal ang aking kapatid.Bagamat bata pa ako at wula pang muwang sa mundong aking ginagalawan hindi ko nakuhang makipag bonding sa kanya noong nabubuhay pa sya.Pagkalipas ng halos dalawang taon muli akong binigyan pa ng pang kapatid,ang pangalan nya ay Gemma Dela Cruz,ang pinaka bunso at huling bigay sa amin.Laking pasasalamat at normal at malusog ang kanyang kondisyon.

ako noong grade 4
Dumaan ang ilang taon kinailanagn ng aking ina na mangibang bansa.Mahigit limang taon syang namalagi sa Kuwait.Sa mga panahon nagdaan na wala sa aming tabi ang aking ina,may nag aruga at nagpalaki sa amin.Ang tiyahin ko na si Ma.Cristina Alcantara sya ang tinuring kong pangalawa kong nanay.Napaka istrikta nya pagdating sa pagkain ng gulay.

Noon panakot nya sa akin pag di ako kumain ng mga gulay na niluto nya  papaluin nya daw ako,nakakatawa mang isipin pero kahit ganun sya mag disiplina sa amin mahal na mahal ko yun.Isa pang tumulong kay inay/tiyahin ko ay si ate Leny sya ang anak ng tiyahin ko na nagpalaki sa akin,para sa akin hindi pinsan ang turing ko sa kanya higit pa don.Sa lahat ng ors na bakante sya masaya kaming namamasyal.Si ate Lea naman sya lang naman ang isa ko pang pinsan na naghahatid sundo sa akin noong nasa elementarya pa ako.At ang pinaka da best sa kanilang lahat ang pinakamamahal kong tatay,siguro sya na ang pinakaresponsableng ama sa mundo.I'm very proud of him napaka swerte namin ng kapatid ko dahil inalagaan nya kami at pinabayaan habang wala si mama .Si papa wala pati syang bisyo ni minsan di ko nakitang manigarilyo o uminum ng sobra kasama ang mga kumpare nya.
Class picture noong grade IV
Sa San Pablo Central School ako nag simula at pumasok para matuto at makisalamuha sa ibang tao.Ito rin ang naginag pangalawa kong tahanan.Tanda ko pah noong kinder hanggang grade 2 napaka iyakin ko kasi ayokong iniiwan ako ng pnsan ko na mag isa ,pakiramdam ko kasi pag iniwan nya ko di n nya ko babalikan.Isa pang dahilan kung bakit napaka iyakin ko noon dahil sa mga kaklase ko palgi nila akong inaasar at minsan pa nga sinisira gamit ko,nakikipagsuntukan ako noon kahit sa lalaki pero pagkatapos noon iiyak din ako kasi ako pa napapagalitan ng guro kahit di namn ako ang may kasalanan.Natuto akong umuwi at pumuntang school noong grade 3.hindi ako nahirapan masyado dahil malapit lang namn bahay namin sa school kayang kaya itong lakarin.Dito rin nagsimula ang pakikisalamuha sa iba ,hanggang nagkaroon na ako ng mga kaibigan.Pagtung-tong ko ng grade 4 hanggang grade 6 dito ko na rin naransan mag karoon ng crush.Nagkaroon din ako ng dalwang best friend sina Jan Marini at Kimberly Dahl sa kanila naging masaya ang  bawat araw ng pagpasok ko sa central.Pag katapos naming grumaduate ng grade 6 pumunta sa aming bahay ang dalawang matalik kong kaibigan,napakasaya ng araw na iyon napakaraming kagaslawan bago kami nag kahiwahiwalay.
Pag sasapit namn ang bakasyon, may mga gawain na kong dapat gawin,tuwing sasapit ang Nobyembrelumuwas sina papa sa maynila para kumuha ng bulaklak sa dangwa dadalhin nila ito sa San Pablo at tutulunagn ko sila mag ayos ng pag titindahn,tumutulong din kami ng pinsan kong si Cristine sa pagtitinda,masaya mag tinda lalo na kung mabili,pero hndi mo maitatangi na kalaban mo ang puyat at pagod.naranasan ko na din mahiga sa kalsada para lang hindi maiwn ang aming paninda,at d ganun kadali kumita ng pera.pagdadatin naman ang occasion ng pasko at bagong taon ganun pa din ang gainagawa namin para makatulong sa amin ang tinitinda namin ay tinapay at prutas.Salamat ang lahat ng hirap at pagod ay maganda ang bunga.
JS noong 3rd year
CLDDMNHS o DIZON HIGH ito ang pinapasukan ko hanggang ngayon nung una kong pasok ko sa eskwelahang ito nung 1st year palang ako para sa akin di ganoon kasaya dahil wala pa ako noon gasinong kakilala.Napaka palad ko dahil napili akong gumanap na bilang isang Ibong Adarna masaya ang bawat oras ng pageensayo nag karoon ng parangal ang aking mga kaklase sa kanilang ginampanang karakter.Nag 2nd year na kame doon ako nag karoon ng madaming kaibigan bawat araw puro kasalawan ang mga ginagawa namin dahil ayaw naming palagpasin ang arw na hindi kame natawa.Pinakamasaklap sa pagiging 2nd year ng 2-d noon ay di kame pinasali sa play ng florante at laura.Nasayang lahat ng pagod at hirap namin sa pag eensayo.pinakamasaya saken ang taon ng 2nd year.Dahil sa mga barkada ko nung binigyan ako ng cake noong kaarawan ko napinag ambagan nila.Tumungtong ako nung 3rd year ito na ang pinakamahirap na stage ng high skull.Puro pag rereport,proyekto at recitation w/stock knowledge.Para sa amin na 3rd year 1st time naming lhat aatend ng js prom.Naging masaya ang gabing ito naisayaw ako ng Crush ko at inihatd pa nia ako sa bahay pag kakain namin kasama ang barkada.
class picture ngayong 4th year
Ngayong 4th year na ako kasama ang dateng barkada at kaklase kaibigan.Napakabilis ng bawat araw sa amin na gragraduate.ngayong 4th year din ako 1st time ko na ospital dahil bumaba ang aking platelates ko bute na lang di ako nag tagal sa ospital at gumaling din ako kaagad akala ko noon di ako makakasali sa cheer  dance  pero pinilit kong makasali dahil gusto ko maranasang lumaban kasama ang 4d.Ngayong buwan ng puso ginanap ang js hawain team ng dizon high noong pebrero 11 2011 7pm ng gabi.medjo di pa masyadong masaya dahil may hindi pagkakaunwaan sa barkada,pero naayos din agad pero hindi na ganun ka close ngayon.Ito ang aking talambuhay na nagkaroon ng kabuluhan..

Ang Aking Talambuhay by Lyndel Arroyo



 
Ang Aking Talambuhay

Hunyo 28 , 1988 sa edad na 18 taon ay nagpakasal ang aking ina na si Marites Aro Cartera sa aking ama na si Rolando Olid Arroyo sa edad na 21 na taon. At sa edad na 24 na taon ay ipinanganak ako nuong Hunyo 12, 1994 ang aking ina sa Estanya Ilo-Ilo. Pangalawa ako at nagiisang babae sa aming apat na magkakapatid., Si Lodgyn C. Arroyo, ang panganay sa amin, si Kristian C. Arroyo ang sumunod sa akin  at ang pinaka bunso sa amin ay si Kenneth C Arroyo. Nagtratrabaho an gaming ama’t inasa Maynila habang kaming apat(4) ay nasa pangangalaga n gaming lolo’t lola. Mabait an gaming lola na si Erlinda Olid. Siya ang nagaalaga sa amin at ang lolo ko naman na si Edmundo Arroyo na naghahanap-buhay rin para sa amin, masipag at mabait din ang lolo naming. Taon-taon umuuwi an gaming mama at papa at sa tuwing umuuwi ang mga ito ay madami silang dala pasalubong hindi lang para sa amin pati na din sa aming kapitbahay. Mabait an gaming magulang kaya maraming mga taon ang gustong-gusto makita sila at minsan niyayaya pa nila an gaming papa na pumunta sa tabing dagat upang magsaya.Ngunit sa edad kong limang taon ay umuwi si papa galling Maynila na hindi kasama ang aming ina.
Nagtaka kaming lahat pero ang sabi sa amin ni papa ay susunod na lang daw si mama, subalit isang buwan na ang nakaloipas ay hindi pa rin umuuwi si mama hanggang sa nakatanggap ang aking amg ng sulat na galling sa aming ina. Hindi naming masyadong maunawaan kung bakit umiiyak an gaming ama, bigla na lamang sinabi sa amin ni papa na makikipaghiwalay na an gaming ina sa kanya. Wala ng nagawa ang aming ama kaya pinabayaan niya na lang ang naging desisyon ni mama. Nang ako ay anim na taon na ay nagpasya ang aming ama na isama kaming dalawa ni kuya Lodgyn sa Maynila. Nagpaiwan ang dalawa naming kapatid sa aming lolo’t lola sapagkat dito na sila lumaki at ayaw rin isama ni lola ang bunso naming kapatid.
1year old ako dito

Nang makarating na kami sa Maynila ay idineretso agad kami ni papa sa tinutuluyan n gaming ina at doon nga ay nakita muli naming ang aming mama, kasama nito ang kanyang bago asawa. Nang makita ko si mama ay di ako nakaramdam ng galit. Niyakap ko ang aking mama ng mahigpit na mahigpit habang akoy umiiyak at kuya ko naman ay nakatignin lamangsa amin wala siyang pakialam at hindi nya rin pinapansin si mama kahit na tinatawag nito upang yakapin. Iniwan muna kami ni papa sa aming ina ng tatlong araw at pagkatapos noon ay kinaon niya ulit kami. Kay kuya Jun muna kami tumulog, kapatid ni papa, may asawa’t anak na rin ito. Si ate Ebeth ang kanyang asaw, mabait at masipag ito. Ilang beses na kami nag palipat lipat ng tirahan hanggang sa tumigil na sa pag-aaral ang aking kuya at nagtrabaho na lamang sa st. monica na ako nag-aaral sa ika-2 baitang sa elementarya hanggang sa ika-3 baitang. Dito ko na rin nakilala ang aking matalik na kaibigan, si Jovelyn Bobbier, mabait ito at masayang kasama ngunit nagkahiwalay rin kami kasi lumipat na sila sa Mindoro at doon na siya mag-aaral hanggang sa kolohiyo. Sa Sta. Catalina na man kami lumipat at doon ako ay nagpatuloy ng pag-aaral ngunit dalawang taon lang, mula ik-4 na baitang sa elementarya hanging sa ika-5 baitang. At dito rin ako nag umpisang mag karoon ng barkada , natutong mag bulakbol at makipag-away. Ngunit nag bago ang ihip ng haging ng mag-asawa muli ang aking ama at dito nya rin nakilala sa st. Catalina, si ate Mary. At nag karoon sila ng isang anak na lalaki si Cyrus De Villa Arroyo.

Nang ako ay nasa ika-6 na baitang sa elamentarya ay bumalik uli ako sa aking tiyuhin na si kuya jun at muli akong tinanggap. Mabilis kong nakasundo si ate Ebeth at siya minsan ang nag bibigay ng baon. Nakasundo ko rin ang kanilang apat na anak na sina Kenneth, ang panganay, si Jorie, ang pangalawa, sumunod na man kay Jorie ay si Jhunyette at ang pinakabunso sa kanila ay si Tee-jhany. Makukulit ang mga ito pero mababait. Dito na rin sa bagong-bayan ko nakilala ang mga bago kong kaibigang at barkada, iba sila sa lahat ng barkada sa st. Catalina, mababait sila, masayahin at hindi sila naging “bad influence” sa akin. Nakilala ko rin dito sina Aljie, Ellaine, Janayne at si Pamela. Dito rin ako nagkaroon ng “First Crush” . Dito ako tumira hanggang sa magtapos ako ng ika-6 na baitang sa paaralang Ambray Elementary School.
with my fellowbrother

            Taong 2007-2008 ay nag-aral ako sa paaralang Col. Lauro D. Dizon Memorial NationaL High School sa unang antas  ng matas na paaralan ay nagkaroon din ako ng kaibigan sina Fatima Docot at si Annie De Villa, kaya lang di nagtagal ang aming pagkakaibigan dahil sa maagang nagasawa silang pareho. Pero kahit nawala sila ay si Rose Ann Babasa namna ang pumalit sa kanila at naging matalik na kaibigan ko siya. Mabait at mapagbigay si Rose Ann kahit naminsan ay may sumpong ako. Nagtagal ang among pagkakaibigan hanggang sa lumipat na din siya sa Bicol upang doon na siya magpatuloy ng pag-aaral. Natanggap ko iyon dahil marami pa naman akong mga kaibigan sa aming lugar sa bagong-bayan at hindi rin ako nahihirapang maghanap ng bago barkada sa paaralan namin.

            Nang nasa ika-2 antas na ako ng mataas na paaralan ay nakilala ko naman si Yna San Augstin. Naging matalik na kaibigan ko rin siya, pero bago yun ay nakilala ko muna siya at saka ko siya naging matalik na kaibigan. Mabait at masayahin din siya, masipag mag-aral at matulungin, at higit sa lahat mapagkakatiwalaan. Nakilala ko din si Mariche Poncioncula at si Marichris Castillo, mabait din siya ngunit hindi ko sila masyadong nakakasama dahil may iba pa sila barkada. Si Yna lang talaga ang naging matalik ko kaibigan at dito din naming unti-unting nakilala ang iba pa naming kaklase lalaki na sina Alvin Bigata, Ferdinand Cortez, Robert Ladanga at ang iba pa. naging malapit din kami sa kanila at naging kabiruan at katawanan. May isa pa kaming nakilala ngunit patapos na ang klase naming sa ika-2 antas ng mataas na paaralan. Si Jill Almira Mae Cerdan bago pa yun matapos ay unti-unti siyang sumama sa amin at nakikihalobilo. Mabait din siya at masaya kasama at meron din siya magandang tinig kapag kumakanta. Siya din ay matalino lalo na sa English. Kami tatlo ang laging magkakasama kaya lang ako palagi ang napapanisin ng guro naming sa Pilipino si Mam. Bidula. Magaling siya magturo at siya din ay mabait na guro para sakin. Ang paborito kong guro bukod kay Sr. Ang guro naming sa Matematika. Natapos ko ang ikalawang antas ng mataas na paaralan ng masayang kasama ang mga bagong matalik na kaibigan.

            Taong 2009-2010 nasa ikat-3 antas na ako ng mataas na paaralan, ganun pa din ang aking mga naging kakalase at palagi rin kami magkakasama sina Yna, Almira at ako. Sa taong ito nakilala naming si Salvatore Derequito, si Juan Paolo, Ana Carla, Kimberly at iba pang na bago kamagaaral. Lalong dumami ang aking mga kaibigan at mga taong mapag kakatiwalaan ko. Si Mam Lee naman ang naging paborito ko guro at sa Pilipino din ito nagtuturo, magaling din siya at medyo mataray nga lang siya. Naging paborito ko din si Mam. Gonzales guro naming sa English at si Mam. Omania, guro namin siya sa Science at pati na rin si Sr. Gutierez sa MAPE lahat sila ay mababait at magagaling magturo. Masaya at laging masigla ang klase naming dahil maiingay kami. Lalo na kami naging malapit sa isa-isa nina Yna at Almira. Doon na lagi kaming kumakain sa bahay nina Almira, malapit lang kasi ito sa paaralan naming pinapasukan. Kahit sa paguwi ay nagkakasabay pa rin kami. Mahirap ang pagtatapos ng ika-3 antas ng mataas na paaralan lalo na pagpermahan ng “clearance”.

            At ang pinaka huli, taong 2010-2011 ng mataas na paaralan. Noong Abril 25 , 2010 ay nagkaroon ng libot sa aming lugar sa bagong bayan ay nagbolontaryo kami magkakabarkada na kami ang mamumuno at mamamalakad sa okasyon ito. Dito kami nakilala at tinawag na “Youth Member 2010”. Masaya at masarap sa pakiramdam kapag nanunulisit kami magkakabarkada lalo na kung ang ginagawa mo  ay pagpapasaya sa iba tao bata man o matatanda. At noong Mayo 30, 2010 ay tapusan na ng libot. Naging Masaya ang araw na ito para sa mga bata at matatanda at pagkatapos naming tumulong sa araw na ito ay naglaro naman kaming mga “Youth Member 2010” ng “Spin the Bottle” at naging Masaya at naging espesyal na raw na iyon para sa aming lahat. Dito naglabasan an gaming mga sekreto. Hunyo 12, 2010 isa rin ang araw na iyon na espesyal para sa akin at eto ang araw ng aking kaarawan dahil buo pa din ang barkada ko nuong araw na iyon pati na din ang mga iba ko pang kaibigan lahat sila ay may regalo sa akin.

                        Nuong nasa ika-4 na antas  ng mataas na paaralan ay magkakasama pa din kami tatlo nina Yna at Almira. Hindi na kami mapaghihiwalay, kahit nagaaral pa lang kami ay iniisip nanamanin ang pagtratrabaho ay sana magkakasama pa rin kami tatlo, naging mas matibay an gaming pagsasamahan. Naging paborito ko naming guro ay si Sr. Vasquez. Guro naming sa Science, at si Mam. Putungan, guro naming sa Matematika at si Sr. Laksam na guro naming sa Filipino at “Computer”. Ngayon nalalapit na ang pagtatapos naming ng pagaaral ay lalo naming pinag bubutihan an gaming pag-aaral para sa aming mga kinabukasan

At tatlong taong pag-aaral ko sa paaralang Col. Lauro D. Dizon Memorail National High School ay naging inspirasyon ko upang maabot ko lahat ng mga pangarap ko sa buhay at sa mga guro naghirap na magtueo sa amin ay naging daan ko rin kung paano ko maaabot ang lahat ng mga gusto kong marating.

nagaalaga sa amin at ang lolo ko naman na si Hedmundo Arroyo na naghahanap-buhay rin para sa amin, masipag at mabait din ang lolo naming. Taon-taon umuuwi an gaming mama at papa at sa tuwing umuuwi ang mga ito ay madami silang dala pasalubong hindi lang para sa amin pati na din sa aming kapitbahay. Mabait an gaming magulang kaya maraming mga taon ang gustong-gusto makita sila at minsan niyayaya pa nila an gaming papa na pumunta sa tabing dagat upang magsaya.Ngunit sa edad kong limang taon ay umuwi si papa galling Maynila na hindi kasama ang aming ina.
Nagtaka kaming lahat pero ang sabi sa amin ni papa ay susunod na lang daw si mama, subalit isang buwan na ang nakaloipas ay hindi pa rin umuuwi si mama hanggang sa nakatanggap ang aking amg ng sulat na galling sa aming ina. Hindi naming masyadong maunawaan kung bakit umiiyak an gaming ama, bigla na lamang sinabi sa amin ni papa na makikipaghiwalay na an gaming ina sa kanya. Wala ng nagawa ang aming ama kaya pinabayaan niya na lang ang naging desisyon ni mama. Nang ako ay anim na taon na ay nagpasya ang aming ama na isama kaming dalawa ni kuya Lodgyn sa Maynila. Nagpaiwan ang dalawa naming kapatid sa aming lolo’t lola sapagkat dito na sila lumaki at ayaw rin isama ni lola ang bunso naming kapatid.

Nang makarating na kami sa Maynila ay idineretso agad kami ni papa sa tinutuluyan n gaming ina at doon nga ay nakita muli naming ang aming mama, kasama nito ang kanyang bago asawa. Nang makita ko si mama ay di ako nakaramdam ng galit. Niyakap ko ang aking mama ng mahigpit na mahigpit habang akoy umiiyak at kuya ko naman ay nakatignin lamangsa amin wala siyang pakialam at hindi nya rin pinapansin si mama kahit na tinatawag nito upang yakapin. Iniwan muna kami ni papa sa aming ina ng tatlong araw at pagkatapos noon ay kinaon niya ulit kami. Kay kuya Jun muna kami tumulog, kapatid ni papa, may asawa’t anak na rin ito. Si ate Ebeth ang kanyang asaw, mabait at masipag ito. Ilang beses na kami nag palipat lipat ng tirahan hanggang sa tumigil na sa pag-aaral ang aking kuya at nagtrabaho na lamang sa st. monica na ako nag-aaral sa ika-2 baitang sa elementarya hanggang sa ika-3 baitang. Dito ko na rin nakilala ang aking matalik na kaibigan, si Jovelyn Bobbier, mabait ito at masayang kasama ngunit nagkahiwalay rin kami kasi lumipat na sila sa Mindoro at doon na siya mag-aaral hanggang sa kolohiyo. Sa Sta. Catalina na man kami lumipat at doon ako ay nagpatuloy ng pag-aaral ngunit dalawang taon lang, mula ik-4 na baitang sa elementarya hanging sa ika-5 baitang. At dito rin ako nag umpisang mag karoon ng barkada , natutong mag bulakbol at makipag-away. Ngunit nag bago ang ihip ng haging ng mag-asawa muli ang aking ama at dito nya rin nakilala sa st. Catalina, si ate Mary. At nag karoon sila ng isang anak na lalaki si Cyrus De Villa Arroyo.

Nang ako ay nasa ika-6 na baitang sa elamentarya ay bumalik uli ako sa aking tiyuhin na si kuya jun at muli akong tinanggap. Mabilis kong nakasundo si ate Ebeth at siya minsan ang nag bibigay ng baon. Nakasundo ko rin ang kanilang apat na anak na sina Kenneth, ang panganay, si Jorie, ang pangalawa, sumunod na man kay Jorie ay si Jhunyette at ang pinakabunso sa kanila ay si Tee-jhany. Makukulit ang mga ito pero mababait. Dito na rin sa bagong-bayan ko nakilala ang mga bago kong kaibigang at barkada, iba sila sa lahat ng barkada sa st. Catalina, mababait sila, masayahin at hindi sila naging “bad influence” sa akin. Nakilala ko rin dito sina Aljie, Ellaine, Janayne at si Pamela. Dito rin ako nagkaroon ng “First Crush” . Dito ako tumira hanggang sa magtapos ako ng ika-6 na baitang sa paaralang Ambray Elementary School.
my friends in bagong bayan
            Taong 2007-2008 ay nag-aral ako sa paaralang Col. Lauro D. Dizon Memorial NationaL High School sa unang antas  ng matas na paaralan ay nagkaroon din ako ng kaibigan sina Fatima Docot at si Annie De Villa, kaya lang di nagtagal ang aming pagkakaibigan dahil sa maagang nagasawa silang pareho. Pero kahit nawala sila ay si Rose Ann Babasa namna ang pumalit sa kanila at naging matalik na kaibigan ko siya. Mabait at mapagbigay si Rose Ann kahit naminsan ay may sumpong ako. Nagtagal ang among pagkakaibigan hanggang sa lumipat na din siya sa Bicol upang doon na siya magpatuloy ng pag-aaral. Natanggap ko iyon dahil marami pa naman akong mga kaibigan sa aming lugar sa bagong-bayan at hindi rin ako nahihirapang maghanap ng bago barkada sa paaralan namin.

            Nang nasa ika-2 antas na ako ng mataas na paaralan ay nakilala ko naman si Yna San Augstin. Naging matalik na kaibigan ko rin siya, pero bago yun ay nakilala ko muna siya at saka ko siya naging matalik na kaibigan. Mabait at masayahin din siya, masipag mag-aral at matulungin, at higit sa lahat mapagkakatiwalaan. Nakilala ko din si Mariche Poncioncula at si Marichris Castillo, mabait din siya ngunit hindi ko sila masyadong nakakasama dahil may iba pa sila barkada. Si Yna lang talaga ang naging matalik ko kaibigan at dito din naming unti-unting nakilala ang iba pa naming kaklase lalaki na sina Alvin Bigata, Ferdinand Cortez, Robert Ladanga at ang iba pa. naging malapit din kami sa kanila at naging kabiruan at katawanan. May isa pa kaming nakilala ngunit patapos na ang klase naming sa ika-2 antas ng mataas na paaralan. Si Jill Almira Mae Cerdan bago pa yun matapos ay unti-unti siyang sumama sa amin at nakikihalobilo. Mabait din siya at masaya kasama at meron din siya magandang tinig kapag kumakanta. Siya din ay matalino lalo na sa English. Kami tatlo ang laging magkakasama kaya lang ako palagi ang napapanisin ng guro naming sa Pilipino si Mam. Bidula. Magaling siya magturo at siya din ay mabait na guro para sakin. Ang paborito kong guro bukod kay Sr. Ang guro naming sa Matematika. Natapos ko ang ikalawang antas ng mataas na paaralan ng masayang kasama ang mga bagong matalik na kaibigan.

            Taong 2009-2010 nasa ikat-3 antas na ako ng mataas na paaralan, ganun pa din ang aking mga naging kakalase at palagi rin kami magkakasama sina Yna, Almira at ako. Sa taong ito nakilala naming si Salvatore Derequito, si Juan Paolo, Ana Carla, Kimberly at iba pang na bago kamagaaral. Lalong dumami ang aking mga kaibigan at mga taong mapag kakatiwalaan ko. Si Mam Lee naman ang naging paborito ko guro at sa Pilipino din ito nagtuturo, magaling din siya at medyo mataray nga lang siya. Naging paborito ko din si Mam. Gonzales guro naming sa English at si Mam. Omania, guro namin siya sa Science at pati na rin si Sr. Gutierez sa MAPE lahat sila ay mababait at magagaling magturo. Masaya at laging masigla ang klase naming dahil maiingay kami. Lalo na kami naging malapit sa isa-isa nina Yna at Almira. Doon na lagi kaming kumakain sa bahay nina Almira, malapit lang kasi ito sa paaralan naming pinapasukan. Kahit sa paguwi ay nagkakasabay pa rin kami. Mahirap ang pagtatapos ng ika-3 antas ng mataas na paaralan lalo na pagpermahan ng “clearance”.

            At ang pinaka huli, taong 2010-2011 ng mataas na paaralan. Noong Abril 25 , 2010 ay nagkaroon ng libot sa aming lugar sa bagong bayan ay nagbolontaryo kami magkakabarkada na kami ang mamumuno at mamamalakad sa okasyon ito. Dito kami nakilala at tinawag na “Youth Member 2010”. Masaya at masarap sa pakiramdam kapag nanunulisit kami magkakabarkada lalo na kung ang ginagawa mo  ay pagpapasaya sa iba tao bata man o matatanda. At noong Mayo 30, 2010 ay tapusan na ng libot. Naging Masaya ang araw na ito para sa mga bata at matatanda at pagkatapos naming tumulong sa araw na ito ay naglaro naman kaming mga “Youth Member 2010” ng “Spin the Bottle” at naging Masaya at naging espesyal na raw na iyon para sa aming lahat. Dito naglabasan an gaming mga sekreto. Hunyo 12, 2010 isa rin ang araw na iyon na espesyal para sa akin at eto ang araw ng aking kaarawan dahil buo pa din ang barkada ko nuong araw na iyon pati na din ang mga iba ko pang kaibigan lahat sila ay may regalo sa akin.
with my friends
                        Nuong nasa ika-4 na antas  ng mataas na paaralan ay magkakasama pa din kami tatlo nina Yna at Almira. Hindi na kami mapaghihiwalay, kahit nagaaral pa lang kami ay iniisip nanamanin ang pagtratrabaho ay sana magkakasama pa rin kami tatlo, naging mas matibay an gaming pagsasamahan. Naging paborito ko naming guro ay si Sr. Vasquez. Guro naming sa Science, at si Mam. Putungan, guro naming sa Matematika at si Sr. Laksam na guro naming sa Filipino at “Computer”. Ngayon nalalapit na ang pagtatapos naming ng pagaaral ay lalo naming pinag bubutihan an gaming pag-aaral para sa aming mga kinabukasan

At tatlong taong pag-aaral ko sa paaralang Col. Lauro D. Dizon Memorail National High School ay naging inspirasyon ko upang maabot ko lahat ng mga pangarap ko sa buhay at sa mga guro naghirap na magtueo sa amin ay naging daan ko rin kung paano ko maaabot ang lahat ng mga gusto kong marating.
Lyndel Arroyo
my bestfriends in school..

Ang Talambuhay ni Aeron Danila



Ako si Aeron R.Danila,sinilang ako noong Disyembre 22,1993,isinilang ni Ofelia Danila at ang aking ama ay si Redentor Danila lumaki ako sa Brgy.San Ignacio San Pablo City at meon ako ng dalawang kapatid na sina Arvin Danila ang panggitna at Harvey Danila ang bunso,nagsimula akong mag aral ng elementarya sa San Pablo Central School,noon ay di ako gaya ng ibang bata nakailangan pang hatidan ng pagkain ng kanilang mga magulang,natuto akong mag isa noong ako ay grade one at ang aking mahal na guro ay Gng.Tabangay nang tumuntong ako sa ika-lawang baitang marami ako naging kaibigan at kung saan-saan akong lugar nakakarating dala narin ang aking mga kakilala natutu akong maggala at dun narin akong natuto ng larong sipa at ng ako'y tumuntong sa ika-tatlong baitang ay nakikipag laro parin kami kung kanikaninung bata kaya lalung dumami ang aking mga kakilala at dito ako natutong mag "swimming" tuwing tanghalian sa resort malapit sa aking kaibigan dahil ito ay sa lolo niya limampiso lng ang aming entrance fee,halos araw-araw na kami dito
.Dahil kami ay kulang as pamasahe tuwing kami ay mag suswimming kami ay kalung-kalong sa jeep,maliliit at bata pa naman kami kaya ayus lang at dito ako mas nadiskubre sa aking talento sa pag guhit ako lagi ang pinat drodrawing ng aking mga guro kapag may kailangang iguhit at noong ako tumuntung sa ika-apat na baitang dito ako nagsimulang magka crush,ginuguhit ko panga siya tuwing siya ay aking naaalala at dahil narin sa aking talento kaya ako napupuri nang aking mga guro sa art at sa aming mag pipinsan naman aynatuto kaming gumawa ng isang bahay-bahayan at at kung saan-saan kami nagsususuot at kung tawagin namin ay adventure at gumagawa panga kami nang mga bagay na mapag lalaruan masaya kami noon kahit ang aming basketbulanay kami ang  gumawa , at sa aming paaralan ng kami ay malapit ng magtapossa ikaapat na baiting ako ayb nalulungkot sapagkat marami din ang nangyayari na maganda sa taong iyon at dahil hindi  narin kami magiging magkaklase ng aking cruch dahil mas matalino siya s akin at ng ako ay tumuntong ng ika unang baiting , masaya ako sa aking  nagging guro dahil magaling siyang mag turo para sa akin at mnarami siyang ginagawang aktibidad para dsa amin. Minsan pa nga ay nagpakompetisyon  siya ng poster making noong buwan ng wika at ako ang nanalo , sa kanya rin ako nagsimulang matuto ng baseball minsan pa nga ay tinamaan ko siya sa noo at nagbukol ito. 
Ngunit ng siya ay aming lumipat ng tuturuang estudyante , kaming lahat ay nalungkot at gumawa kami ng mga paskil na nagsasabing huwag siyang alisin saaming seksiyon ngunit wala kaming nagawa kundi tanggapin ang katotohanan. At simula noon ay bago na ang aming guro  . at ng ako ay tumuntong sa ika anim na baytang  ditoa ko nagsimulang mag laro ng baseball  mahirap pala ang larong ito ngunit ginusto ko ito dahil sa aking tiyo na naglalaro rin nito sa liceo.
 Nakakapractice din naming siya noon at ng magsimula na ang division meet kami ay na default  sa unang laban dahil sa aming coach ngunit hindi kami nawalan ng pag asa lumaban parin kami haanggang makamit naming ang  ikatlong pwesto at itinuloy ko ang larong ito hanggang sa ika anim na baytang kung saan ako ay nagging assistant captain, mas nagging masaya ako sa paglalaro nito kahit kami ay nakaabot lamang sa ikaapat na pwesto at nang dumating na ang araw ng graduation syempre kamuing lahat ay nalungkot ngunit masaya narin kami dahil makakatapos n kami ng elementarya at ng tiumuntong ako sa sekondarya ako ay nag aral sa lakecity Christian school hanggan sa ikalawang antas ng sekonsarya nagging masaya rin ako doon dahil marami akong  nagging kaibigan  at ng ako ay tutuntong na sa ikatlong antas napilitan akong lumipat sa Dizon high upanhg makatipid na rin  dahil sa humuhirap na buhay noong una ay ayoko pa at halos ayoko nang pumasok ngunit ng tumagal ay
dabarkads
Nabago ang lahat naging masaya ako sa eskwelahang  ito dahil marami akong nagging kaibigan at natutunan at kinaharin ako ng central school upang nagging trainor  ng kani lang mga player ng baseball para sa darating na division met bagamat hindi sila na nalo ay masaya parin sila dahil sa karanasan hanggang sa matapos na ang ika-3 antas ay masaya parin ako sa piling ng aking mga kaibigan ng tumongtung ako sa ik-4 ng antas ako ay bumaba ang sekyon masakit man ay tinanggap ko pa rin ito dahil narin sa mababa kong marka sa pag kakahuli ko ng enroll noon ako ay nag transfer. Noon buwan ng nutrisyon ako ay sumali ng poster making at ako ay nanalo ng ika-2 pwesto ganoon din noon buwan ng wika bagamat ako ang nanguna noon nakaran taon simula noon ay ako ay kinuha bilang kartonist ng dyaryo na min ni sir. Lacsam malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil lalong nahubog ang aking talento lumaban kami ng press con. Sa bagong bayan at ako ay pinalad na manalo at ako ay nagkaroon ng pagkakataon na lumaban ng regional at lumaban din ako ng division poster making at pinalad din akong manalo at bagamat di ako nanalo noon regional masaya parin ako sa aking mga karanasan at simula na man akong maglaro ng baseball para sa darating na division meet kung saan ako ang nagging captain ball at kami ay nag champion at kami ay nag karoon ng victory party pagkatapos noon ay ang concentrate muna ako sa aking pag-aaral para sa kolehiyo at para narin maga graduate marami akong karanasan  sa paaralan ng Dizon high    
kame ng mga kaklase ko