Sunday, February 20, 2011

Ang Aking Talambuhay (Diane Dimayuga Dela Cruz)

Ako noong 5 taong gulang
Ako si Diane Dimayuga Dela Cruz,Ipinanganak noong Pebrero 2 1995 sa San Pablo City Hospital sa Laguna Nakatira sa Dagatan boulevard Brgy IV-A San Pablo City.Panganay ako sa taylong mag kakapatid.Ang pangalan ng aking ina ay si Ma.Cristeta Balanial Dimayuga at ang aking ama ay si Generoso Barcelona Dela Cruz.Si Geraldin Dela Cruz Ang sumunod sa akin matanda ako ng isang taon sa kanya,bata pa lamang sya nagkaroon sya ng ibat ibang sakit na nag pahirap sa kanya habang nbubuhay pa sya.Napakasakit  para kay mama at papa ang nangyaring iyon sa aking kapatid sa sobrang daming gamot na nabibili at palipat lipat ng hospital si Geraldin hindi na rin nila nakuhang ipagdiwang ang aking unang kaarawan.Bago pa sumapit noon ang aking kaarawan agad kinuha sa amin ng maykapal ang aking kapatid.Bagamat bata pa ako at wula pang muwang sa mundong aking ginagalawan hindi ko nakuhang makipag bonding sa kanya noong nabubuhay pa sya.Pagkalipas ng halos dalawang taon muli akong binigyan pa ng pang kapatid,ang pangalan nya ay Gemma Dela Cruz,ang pinaka bunso at huling bigay sa amin.Laking pasasalamat at normal at malusog ang kanyang kondisyon.

ako noong grade 4
Dumaan ang ilang taon kinailanagn ng aking ina na mangibang bansa.Mahigit limang taon syang namalagi sa Kuwait.Sa mga panahon nagdaan na wala sa aming tabi ang aking ina,may nag aruga at nagpalaki sa amin.Ang tiyahin ko na si Ma.Cristina Alcantara sya ang tinuring kong pangalawa kong nanay.Napaka istrikta nya pagdating sa pagkain ng gulay.

Noon panakot nya sa akin pag di ako kumain ng mga gulay na niluto nya  papaluin nya daw ako,nakakatawa mang isipin pero kahit ganun sya mag disiplina sa amin mahal na mahal ko yun.Isa pang tumulong kay inay/tiyahin ko ay si ate Leny sya ang anak ng tiyahin ko na nagpalaki sa akin,para sa akin hindi pinsan ang turing ko sa kanya higit pa don.Sa lahat ng ors na bakante sya masaya kaming namamasyal.Si ate Lea naman sya lang naman ang isa ko pang pinsan na naghahatid sundo sa akin noong nasa elementarya pa ako.At ang pinaka da best sa kanilang lahat ang pinakamamahal kong tatay,siguro sya na ang pinakaresponsableng ama sa mundo.I'm very proud of him napaka swerte namin ng kapatid ko dahil inalagaan nya kami at pinabayaan habang wala si mama .Si papa wala pati syang bisyo ni minsan di ko nakitang manigarilyo o uminum ng sobra kasama ang mga kumpare nya.
Class picture noong grade IV
Sa San Pablo Central School ako nag simula at pumasok para matuto at makisalamuha sa ibang tao.Ito rin ang naginag pangalawa kong tahanan.Tanda ko pah noong kinder hanggang grade 2 napaka iyakin ko kasi ayokong iniiwan ako ng pnsan ko na mag isa ,pakiramdam ko kasi pag iniwan nya ko di n nya ko babalikan.Isa pang dahilan kung bakit napaka iyakin ko noon dahil sa mga kaklase ko palgi nila akong inaasar at minsan pa nga sinisira gamit ko,nakikipagsuntukan ako noon kahit sa lalaki pero pagkatapos noon iiyak din ako kasi ako pa napapagalitan ng guro kahit di namn ako ang may kasalanan.Natuto akong umuwi at pumuntang school noong grade 3.hindi ako nahirapan masyado dahil malapit lang namn bahay namin sa school kayang kaya itong lakarin.Dito rin nagsimula ang pakikisalamuha sa iba ,hanggang nagkaroon na ako ng mga kaibigan.Pagtung-tong ko ng grade 4 hanggang grade 6 dito ko na rin naransan mag karoon ng crush.Nagkaroon din ako ng dalwang best friend sina Jan Marini at Kimberly Dahl sa kanila naging masaya ang  bawat araw ng pagpasok ko sa central.Pag katapos naming grumaduate ng grade 6 pumunta sa aming bahay ang dalawang matalik kong kaibigan,napakasaya ng araw na iyon napakaraming kagaslawan bago kami nag kahiwahiwalay.
Pag sasapit namn ang bakasyon, may mga gawain na kong dapat gawin,tuwing sasapit ang Nobyembrelumuwas sina papa sa maynila para kumuha ng bulaklak sa dangwa dadalhin nila ito sa San Pablo at tutulunagn ko sila mag ayos ng pag titindahn,tumutulong din kami ng pinsan kong si Cristine sa pagtitinda,masaya mag tinda lalo na kung mabili,pero hndi mo maitatangi na kalaban mo ang puyat at pagod.naranasan ko na din mahiga sa kalsada para lang hindi maiwn ang aming paninda,at d ganun kadali kumita ng pera.pagdadatin naman ang occasion ng pasko at bagong taon ganun pa din ang gainagawa namin para makatulong sa amin ang tinitinda namin ay tinapay at prutas.Salamat ang lahat ng hirap at pagod ay maganda ang bunga.
JS noong 3rd year
CLDDMNHS o DIZON HIGH ito ang pinapasukan ko hanggang ngayon nung una kong pasok ko sa eskwelahang ito nung 1st year palang ako para sa akin di ganoon kasaya dahil wala pa ako noon gasinong kakilala.Napaka palad ko dahil napili akong gumanap na bilang isang Ibong Adarna masaya ang bawat oras ng pageensayo nag karoon ng parangal ang aking mga kaklase sa kanilang ginampanang karakter.Nag 2nd year na kame doon ako nag karoon ng madaming kaibigan bawat araw puro kasalawan ang mga ginagawa namin dahil ayaw naming palagpasin ang arw na hindi kame natawa.Pinakamasaklap sa pagiging 2nd year ng 2-d noon ay di kame pinasali sa play ng florante at laura.Nasayang lahat ng pagod at hirap namin sa pag eensayo.pinakamasaya saken ang taon ng 2nd year.Dahil sa mga barkada ko nung binigyan ako ng cake noong kaarawan ko napinag ambagan nila.Tumungtong ako nung 3rd year ito na ang pinakamahirap na stage ng high skull.Puro pag rereport,proyekto at recitation w/stock knowledge.Para sa amin na 3rd year 1st time naming lhat aatend ng js prom.Naging masaya ang gabing ito naisayaw ako ng Crush ko at inihatd pa nia ako sa bahay pag kakain namin kasama ang barkada.
class picture ngayong 4th year
Ngayong 4th year na ako kasama ang dateng barkada at kaklase kaibigan.Napakabilis ng bawat araw sa amin na gragraduate.ngayong 4th year din ako 1st time ko na ospital dahil bumaba ang aking platelates ko bute na lang di ako nag tagal sa ospital at gumaling din ako kaagad akala ko noon di ako makakasali sa cheer  dance  pero pinilit kong makasali dahil gusto ko maranasang lumaban kasama ang 4d.Ngayong buwan ng puso ginanap ang js hawain team ng dizon high noong pebrero 11 2011 7pm ng gabi.medjo di pa masyadong masaya dahil may hindi pagkakaunwaan sa barkada,pero naayos din agad pero hindi na ganun ka close ngayon.Ito ang aking talambuhay na nagkaroon ng kabuluhan..

No comments:

Post a Comment